top of page

Paano ba mabuhay sa isang araw?

  • Rose Ann Solo
  • Aug 10, 2016
  • 3 min read

Bago pa man maidilat ang mga mata at makatayo ay kinukulit niya na ako. Pilit niyang

ipinapaalala ang mga bagay na matagal ko nang itinago sa pinakailalim ng baul. Bakit mo pa

susubukan uli?

Lalakad pa lang ako para maghanda ay pipigilan niya na ako. Uulitin niya ang mga takot at

pagdududa; mga panahon na araw ko’y hindi nasinagan ng araw.

Pilit niyang pinagdidiinan na tama ang kanyang mga punto. Madalas ay naririndi ako sa kanya

kaya tatakpan ko ang aking mga tainga at hahayaan na malunod sa mga kanta. Ngunit imbis na

mapalitan ng tuwa’y idadaan niya sa mga kanta ang mga pahayag na ayaw kong pakinggan.

Hindi mo kaya.

Madalas niyang sambit na tingnan ko raw kayo. Kayo na may mapanuring mga mata, kayo na

bumubulong sa katabi sa tuwing ako’y dadaan. Bahagya akong yuyuko. Hindi ko alam pero

kahit alam kong mali siya ay tila ba may hiya akong mararamdaman.

Pupurihin niya ako, papalakpak at munting magbubunyi sa gilid ko.

Kapag ganito siya’y maiinis ako kaya’t sasabayan ko ang mga tawa niya’t taas noong

pupuntahan kayo. Ilang hakbang na lang at abot na ng aking mga kamay ang init at sarap ng

inyong yakap ngunit napigilan niya na ako. Hindi ko alam kung bakit pero maiiba ang direksyon

ng yapak ng aking mga paa.

Sa pagtalikod ko’y rinig ang inyong mga hagikgik at tawa. Masaya na sila kahit wala ka.

Pipikit ako at huhugot ng bagong motibasyon. Determinado akong papasok sa klase at mauupo

na. Hilig kong tingnan ang mga propesor sa kanilang mga mata. Ibig kong mabasa ang kanilang

mga kaluluwa habang nasa harap ng klase at nagtuturo. Madalas na mahahagip nila ang aking

mga mata, lalo na sa tuwing nagtatanong, naghahanap ng mga mag­aaral na handang

sumagot.

Itataas ko pa lang ang kamay ko ay ibababa ko rin agad. Sigurado ka ba? Alam mo ba talaga?

Bida-­bida ka eh.

Sa pagtungtong ng kalagitnaan ng araw ay hindi nanaman siya pahuhuli. Sa kabila ng mga

ingay mula sa aking tyan ay kukwestyunin niya maging ang desisyon ko sa pagkain. Ngunit

pagod na ako, kahit anong pagpigil niya ay kakain ako.

Magagalit siya. Nakakatakot siyang magalit. Dinadala niya ako sa isang lugar na madilim,

walang malalapitan. Kahit boses ko’y hindi magamit upang marinig. Hindi makatayo,

makagalaw o makapalag. Ipapakita niya ang nakaraang tinuring kong mga sulat na sinunog na.

Ipapaalala niya ang karungisan ko noon at sasabihin niyang iyon pa rin ako, walang nagbago.

Mas lumala.

Kahit pagdilat ko’y iyon pa rin ang makikita ko.

Pero ang mundo’y iba na. Walang buhay. Walang kulay. Walang kabuluhan.

Hindi ko alam pero umaabot na wala na akong maramdaman. Kahit ilang oras pang lumuha ay

hindi sapat sa dami ng kanyang mga komento at bintang. Talunan ka. Wala kang silbi. Bakit

pinipilit mong may pag­asa ka?

Ihaharap niya sa akin ang mukha sa birtwal na realidad, sa harap ng mga libro at hindi

nasasagutang mga gawain. Wala kang kwenta. Nung una pa lang, wala na.

Kasabay nang paglalim ng gabi ay siyang paglunod ko sa mga sugat na magaling na ngunit

muling bubulatlatin, sa mga bagong sugat na nagdurugo pa lang ay hinampas nanaman ng

paulit­ulit.

Hindi siya titigil hangga’t pagsuko ang tanging maging kasagutan. Isang galaw lamang upang

subukang humingi ng tulong ay isang hakot na mapapait na alaala ang ipaparusa.

Walang takas. Kahit sa pagtulog ay hindi ako siguradong hindi niya na ako susundan.

Depresyon. Iyan yata ang tawag sa sakit na gumugupo sa akin sa panaginip. Napakasama.

Nakakapanghilakbot. Mabuti na lamang at panaginip lang ang lahat.

Sumisilay na ang liwanag sa labas ng aking kwarto. Nang mapilit ko na ang sarili kong imulat

ang aking mata at itayo ko ang aking mga paa upang harapin muli ang liwanag ng panibagong

umaga matapos ng bangungot ng nakaraang gabi ay may narinig ako...

“Sigurado ka bang kakayanin mong harapin ang araw na ito?”

Sample Literary Work


 
 
 

Comments


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page